Si Ramon “Bomen” Guillermo ay Propesor ng Araling Pilipino sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL), Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman. Siya ay may-akda ng mga sanaysay at aklat sa digital humanities, aralin sa pagsasalin, pagsasakatutubo ng agham panlipunan, ugnayang Pilipinas-Indonesia, at intelektuwal na kasaysayan ng mga kilusang panlipunan.
Mga Katuwang na Tagapamahala
Tagapangasiwa sa pangkat ng mga leksikograpo

Mary Ann G. Bacolod, Ph.D.
Taga-disenyo ng istruktura ng mga entry articles; Tagapagsanay sa pagbibigay ng kahulugan
Si Mary Ann G. Bacolod ay Kawaksing Propesor sa Departamento ng Linggwistiks, UP Diliman, kung saan niya tinapos ang kaniyang mga digring BA at MA sa Linggwistiks. Mayroon siyang Ph.D. in Japanese Language and Society Studies mula sa Osaka University of Foreign Studies. Siya ay nagtuturo ng linggwistiks at wikang Hapon at Hiligaynon, at umupo sa ilang mahalagang posisyon sa loob at labas ng Unibersidad kabilang na ang pagiging Tagapangulo ng Technical Committee for Foreign Languages sa Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon, Konsultant sa Wika at Kulturang Banyaga ng Bureau of Immigration Traning Division, at Tagapangulo ng UP Departamento ng Linggwistiks. Kasapi rin siya ng AsiaLex. Taglay ang interes sa pananaliksik sa Hiligaynon, aralin sa pagsasalin, leksikograpiya, sosyolinggwistiks, at wika at linggwistiks ng Hapon, siya ay nakapaglathala na ng mga artikulo at nagbasa ng papel-pangkumperensiya sa istruktura ng Filipino at hambingang pag-aaral ng Hapon at Filipino.

Ma. Althea T. Enriquez, Ph.D.
Taga-disenyo ng korpus at manwal; Tagapagsanay sa paglalagay ng kahulugan
Si Ma. Althea T. Enriquez ay Kawaksing Propesor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, KAL, UP Diliman. Nakapagtapos ng BA at MA sa Linggwistiks sa UP Diliman at Ph.D. in Language Studies sa National University of Singapore, siya ay nakapaglathala na ng mga artikulo hinggil sa istruktura ng wika at pagtuturo ng Filipino sa mga banyaga. Siya ay may interes sa mga pananaliksik sa gramatika, leksikograpiya, pagtuturo ng Filipino sa mga banyaga, at contact linguistics. Naging konsultant siya sa pagbuo ng materyales na panturo sa Filipino (Kagawaran ng Edukasyon), at dalawang beses na naging Visiting Lecturer para sa National Institute for Oriental Languages and Cultures sa Paris. Kasapi siya ng Pambansang Samahan sa Wika, Linguistic Society of the Philippines, at AsiaLex.
Tagapangasiwa sa pangkat ng mga tagakalap ng datos at mananaliksik

Jem R. Javier
Tagapamahala sa kalakasang-pantao ng proyekto; Tagapag-ugnay sa mga panloob at panlabas na komunikasyon
Nakamit ni Jem R. Javier ang mga digring BA at MA sa Linggwistiks mula sa Departamento ng Linggwistiks, KAPP, UP Diliman. Kasalukuyang tinatahak ang PhD sa Linggwistiks ng Pilipinas sa nasabing institusyon, siya ay Katuwang na Propesor ng Linggwistiks at Bahasa Indonesia. Siya ay may kinalaman din sa ilang proyekto sa Unibersidad gaya ng Philippine Cultural Performance Archive sa ilalim ng Emerging Interdisciplinary Research na pinondohan ng Sistemang UP. Siya ay may interes sa mga pananaliksik ukol sa structural linguistics, cognitive grammar, araling Romblomanon, Bahasa Indonesia/Malaysia, at aralin sa wika at kultura.
Tagapangasiwa sa technical at online na resources

Rhandley D. Cajote, Ph.D.
Tagapag-ugnay sa mga teknikal na aspeto ng proyekto; Tagapagsanay sa paggamit ng TLex
Si Rhandley D. Cajote ay Kawaksing Propesor sa Electrical and Electronics Engineering Institute, Kolehiyo ng Inhenyeriya (CoE), UP Diliman. Bahagi ng Digital Signal Processing Laboratory ng nasabing institusyon, siya ay Pinuno ng Bantay Wika Project: Building a computational model for language development, sa ilalim ng Interdisciplinary Signal Processing for Pinoys Program na pinondohan ng Philippine Council for Industry, Energy, and Emerging Technology Research and Development ng Department of Science and Technology at UP Diliman. Nakapaglathala na siya ng mga artikulo at nakapagbasa ng mga papel-pangkumperensiya hinggil sa image and video processing, handwriting recognition, machine vision, stereo imaging, at pattern recognition. Kasalukuyan siyang Kawaksing Dekano para sa Usaping Pangmag-aaral sa CoE.
Mga Kawani

Maristela F. Talampas
Kawani ng opisina

Roma Franz Iris F. Diaz
Web Developer