Monolinggwal na Diksyunaryong Filipino

Mga
Leksikograpo

Anna Marie Stephanie S. Cabigao

Si Stephanie Cabigao ay mag-aaral ng MA sa Araling Pilipino (Aralin sa mga Wika at Sining ng Pilipinas) sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman. Siya ay manunulat at mananaliksik din para sa mga lathalain ng Unibersidad – UP Newsletter at UP Forum. Ang kaniyang interes sa pananaliksik ay kinabibilangan ng araling pangkultura, museo, at historiograpiya sa mga wika, sining biswal, at pelikula sa Pilipinas.

Jesame Dilag-Domingo

Si Jesame Dilag-Domingo ay kasalukuyang guro ng senior high school sa Unibersidad ng Santo Tomas. Interes niya ang mga pananaliksik hinggil sa mother tongue-based multilingual education, pagkatuto ng wika, panitikang pambata, at narrative and critical discourse analysis.

Jomar I. Empaynado

Si Jomar I. Empaynado ay isang instruktor sa Departamento ng Filipino, Loyola Schools, Ateneo de Manila University. Ang kaniyang interes sa pananaliksik ay nakatuon sa linggwistiks ng Filipino, leksikograpiya, semantiks, pagkatuto ng una at pangalawang wika, pagsasalin, at sosyolinggwistiks.

Schedar D. Jocson

Si Schedar D. Jocson ay Katuwang na Propesor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP Diliman. Kasalukuyan niyang tinatahak ang doktoradong digri sa pagsasalin sa nasabing institusyon. Interesado siya sa mga pananaliksik hinggil sa pagsasaling pampanitikan, wika-sa-edukasyon, at multilingwalismo.

Ronel O. Laranjo

Si Ronel O. Laranjo ay kasalukuyang nagtuturo sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP Diliman. Ang kaniyang interes sa pananaliksik ay nakatuon sa Filipino bilang pangalawang wika, interlanguage ng mga mag-aaral ng Filipino, at hambingang pag-aaral ng kultura at lipunan ng Pilipinas at Korea.

April J. Perez

Si April J. Perez ay kumukuha ng doktoradong digri sa Filipino sa UP Diliman. Sa kasalukuyan, siya ay Katuwang na Propesor sa Departamento ng Filipino at Pantiikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura. Interesado siya sa mga pananaliksik sa structural linguistics, linggwistiks ng Filipino, sosyolinggwistiks, at pagtuturo ng Filipino bilang pangalawang wika.

Jayson D. Petras

Si Jayson D. Petras ay Katuwang na Propesor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP Diliman. Mayroon siyang masteradong digri sa Araling Pilipino mula sa nasabing institusyon. Ang kaniyang pananaliksik ay nakatuon sa sikolohiya ng Pilipinas, sikolohiya ng wika, at pagpaplanong pangwika. Nakapaglathala na siya sa mga akademikong journal at aklat.

Ria Rafael

Si Ria Rafael ay nagtuturo ng linggwistiks at wikang Hapon sa Departamento ng Linggwistiks, UP Diliman. Ang kaniyang interes sa pananaliksik ay nasa linggwistiks at wika ng Pilipinas, typology, leksikograpiya, at wika at kulturang Hapon.

Francisco C. Rosario, Jr.

Si Francisco C. Rosario, Jr. ay kasapi ng kaguruan ng Departamento ng Linggwistiks, UP Diliman, kung saan nagtuturo siya ng mga kurso sa general linguistics. Interesado siya sa mga pananaliksik hinggil sa wika at kulturang Pangasinan, multilingual studies, at cultural linguistics.

Zarina Joy T. Santos

Si Zarina Joy T. Santos ay full-time na guro sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP Diliman. Ang kaniyang kasalukuyang pananaliksik ay nakatuon sa leksikograpiya at pangangasiwang pangwika sa mga institusyong panlipunan.