About the Project

About the Project

Ang proyekto ay binubuo ng dalawang bahagi:

Filipino Language Corpus

Filipino Language Corpus

Balak ng proyektong ito ang pagbubuo ng isang digital text corpus ng mga kontemporaryong (pangkasalukuyan) gamit ng wikang Filipino sa mga mayor na lungsod ng Pilipinas (NCR, Cebu, Davao). Bubuuin ang text corpus ng iba’t ibang uri ng mga tekstong nakasulat at mga transkripsyon ng mga pabigkas na paggamit sa iba’t ibang pagkakataon ng wikang Filipino.

Nakatuon ang proyektong ito sa pagkalap ng mga pasalita at pasulat na teksto sa wikang Filipino. Ginagabayan ng isang tiyak na disenyo sa pagkalap ng datos, nilalayon nitong makabuo ng kauna-unahang malakihang korpus para sa kontemporaryong paggamit ng Filipino.

Monolinggwal na Diksyunaryong Filipino

Monolinggwal na Diskyunaryong Filipino

Balak ng ikalawang sangkap na ito ang pagbubuo ng diksyonaryong monolinggwal sa wikang Filipino na nakabatay sa datos na makakalap sa corpus. Bilang monolinggwal na diksyonaryo, ang mga salita nitong entri (o headword) ay nasa wikang Filipino at ang mga depinisyon din ay nasa wikang Filipino.

Nakabatay ang diksyunaryong ito sa korpus mula sa proyektong Filipino Language Corpus. Inaasahan na maipakita at makaambag ang diksyunaryo sa paglalarawan ng wikang Filipino at sa larangan ng leksikograpiya sa bansa.