Filipino Language Corpus

Tagakalap
ng Datos – Manila

Kariema Bagas

Kasalukuyang Development Research Associate sa National Economic and Development Authority (NEDA), si Kariema Bagas ay nagbabalak na gamitin ang applied anthropology sa gawaing pagpapaunlad, partikular sa paglikha at pagsusuri ng patakarang pampubliko. Maliban sa kaniyang trabaho sa NEDA at UP MDF, siya ay tagasubaybay ng pilosopiya at ng palabas na Yuri!!! On Ice fan.

Barry L. Clavero

Kasalukuyang empleyado-sibil sa Educational Benefits Systems Office ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, si Barry L. Clavero ay nakagagamit ng maraming wika. Marunong siyang mag-Tandaganon (ang wikang kinagisnan niya), Surigaonon, Cebuano, Filipino, at Ingles. May interes siya sa mga pananaliksik hinggil sa pamanang pangkultura, lokal na kasaysayan, at pagkain at paglalakbay.

Gerard Panggat Concepcion

Si Gerard Panggat Concepcion ay may PhD sa Filipino mula sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman, kung saan siya ay Katuwang na Propesor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura. Interes niya ang mga pananaliksik hinggil sa patakaran at pagpaplanong pangwika, sosyolinggwistiks, at game studies.

Ralph Carlo R. Gascon

Si Ralph Carlo R. Gascon ay kasalukuyang Research Executive I sa Philippine Survey and Research Center. Ang kaniyang interes sa pananaliksik ay nakatuon sa lipunan at merkado, lalo na ang pagtuklas sa mga tao, at sa kanilang motibasyon at pag-uugali.

Madilene B. Landicho

Si Madilene B. Landicho ay isang instruktor sa Departamento ng Antropolohiya, Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, UP Diliman. Mayroon siyang digring BA at kasalukuyang tinatapos ang MA sa Antropolohiya sa nasabing departamento. Taglay niya ang interes sa mga pananaliksik hinggil sa antropolohiya ng katawan, kasarian at seksuwalidad, katutubong sistema ng kaalaman, at mga kultura at wika sa Timog-Silangang Asya.

Enrico Miguel Prado

Si Enrico Miguel Prado ay isang freelance photographer. Ang kaniyang interes sa pananaliksik ay nakatuon sa interaksiyon at katalusang panlipunan.

Tagakalap
ng Datos – Cebu

John Christian Alvarez-Trigo

Si John Christian Alvarez-Trigo ay mag-aaral ng BA Psychology sa UP Cebu. Siya ay may interes sa larangan ng sining, pagdedebate, events management, at neuroscience. Kasapi siya sa UP Otakufest, UP Nichibunken, AIESEC in Cebu, UP Cebu Lantugi Debate Society, at Tug-ani, ang opisyal na pahayagang pangmag-aaral ng UP Cebu.

Armand Jake Dayoha

Nakamit ni Armand Jake Dayoha ang digring BA Psychology sa UP Cebu. Mula noong magtapos siya noong 2015, nakapagtrabaho siya bilang mananaliksik sa field sa mga proyekto gaya ng UP MDF. Interesado siya sa pagsasagawa ng mga pananaliksik na may kamalayang panlipunan.

Maryglie Angelie H. Delicano

Si Maryglie Angelie H. Delicano ay mag-aaral ng BA Psychology sa UP Cebu. Dahil sa ang kaniyang kurso ay nangangailangan ng pagsusunog ng kilay sa mga proyektong pananaliksik na may kinalaman sa sikolohiya, nililibang naman niya ang kaniyang sarili sa panitikan, kung kaya siya ay sumapi sa UP MDF.

Lezel Vera D. Malazarte

Si Lezel Vera D. Malazarte ay mag-aaral ng BA Psychology sa UP Cebu. Ang kaniyang interes sa pananaliksik ay nakatuon sa interseksiyon ng social at personal psychology, cross-cultural research, at psychopathology.

Angeli Marturillas

Si Angelie Marturillas ay mag-aaral ng BA Psychology sa UP Cebu. Itinuturing niyang mapanghamon ang larangan ng sikolohiya at partikular niyang interes ang social psychology at personality psychology.

Joy Emmamae R. Masapequeña

Si Joy Emmamae R. Masapequeña ay pangulo ng TINTA, ang opisyal na organisasyon ng malikhaing pagsusulat sa UP Cebu. Kasapi rin siya ng unyon ng mga manunulat na Cebuano, ang BATHALAD Sugbo.

Kent Ocampo

Si Kent Ocampo ay mag-aaral ng sikolohiya sa UP Cebu, kung saan pinamumunuan din niya ang opisyal na pangkat-debatista nito. Ang kaniyang interes sa pananaliksik ay nakapaloob sa interseksiyon ng panlipunang kakanyahan at kaugalian, at attitude-behavior consistency sa larangan ng social psychology.

Caitlin Faye M. Navales

Si Caitlin Faye M. Navales ay mag-aaral ng BA Psychology sa UP Cebu. Siya rin ang pangulo ng HeForShe – UP Cebu. Interesado siya sa mga pananaliksik na tumutuklas sa masalimuot na konsepto ng sexual orientation at gender diversity.

Alvin S. Pino

Si Alvin S. Pino ay major ng sikolohiya sa UP Cebu. Ang kaniyang interes sa pananaliksik ay umiinog sa magical thingking, subliminal messaging, at mga saloobin hinggil sa mga kasalukuyang isyung panlipunan. Siya ay Graphics Head sa Tug-ani, at isang Peer Facilitator.

Kis Tryvl C. Ramos

Si Kis Tryvl C. Ramos ay mag-aaral ng BA Psychology sa UP Cebu. Siya ang kalihim sa usaping panloob ng UP Cebu Psychology Majors’ Association at manunulat ng balita sa Tug-ani.

Matthew C. Torregosa

Si Matthew C. Torregosa ay major ng sikolohiya sa UP Cebu. Kabilang sa mga interes niya sa pananaliksik ay yaong nakatuon sa social psychology at developmental psychology. Kasapi rin siya ng UP Pride at HeForShe – UP Cebu.

Tagakalap
ng Datos – Davao

Mary Jees Abao

Si Mary Jees Abao ay guro sa Paaralang Elementarya ng San Roque. Kasalukuyan niyang tinatahak ang digring Master of Education in Language Teaching sa University of Southeastern Philippines, Lunsod ng Davao. Nakatuon ang kaniyang interes sa pananaliksik sa suliranin sa pagbabasa ng mga bata at pagbibigay-lunas dito. Kasapi rin siya ng Quota International of Davao, isang non-profit na organisasyon na naglilingkod sa mga kapus-palad na bata sa pamayanan.

Jessica C. Alag

Si Jessica C. Alag ay may higit siyam na taong karanasan sa pagtuturo sa antas tersiyaryo at primarya. Nakamit niya ang digring BS in Guidance and Counceling sa San Pedro College, Lunsod ng Davao; at Master of Educational Management at ilang yunit sa Ed.D. sa University of Visayas. Siya ay part-time na instruktor sa Assumption College of Davao.

Aimee D. Chua

Si Aimee D. Chua ay Teacher III sa Departamento ng Araling Panlipunan, Davao City National High School. Sa kasalukuyan, siya ay naatasang Deputy sa Department for Co-Curricular Affairs. Siya ay interesado sa pagsasagawa ng action research na naglalayong mapaigi ang kakayahang akademiko ng mag-aaral.

Renante A. Daguplo

Nakamit ni Renante A. Daguplo ang digring BSE English sa Capitol University bilang iskolar ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon; Graduate Diploma in Cultural Education bilang iskolar ng Pambansang Komisyon sa Kultura at mga Sining; at kasalukuyang tinatapos ang MA in Teaching English Language and Literature sa Ateneo de Davao University. Siya ay isang full-time na guro at pangulo ng National Association of Cultural Educators and Scholars – Mindanao. Hilig niya ang paglalakbay at pagkuha ng larawan.

Mary Grace A. Fernandez

Si Mary Grace A. Fernandez ay Master Teacher sa isa sa mga pampublikong paaralan sa Lunsod ng Davvao. Nakamit niya ang digring MA in Theology major in Religious Education mula sa Holy Cross of Davao College bilang Academic Scholar. Kasalukuyan niyang tinatapos ang Ph.D. in Systematic Theology sa nasabing paaralan. Naging kasapi siya ng kaguruan ng Ateneo de Davao University Grade School Department at Guidance Advocate sa Central School of San Roque District, Lunsod ng Davao.

Ofelia U. Lagura

Si Ofelia U. Lagura ay Teacher I ng Science and Health sa Paaralang Elementarya ng Jose P. Laurel, Sr., kung saan siya ay Coordinator ng English and Reading, at ng Culture and Arts. Siya ay may interes sa pagsusuri sa mga suliraning panlipunan at pang-ekonomiya sa Pilipinas.